Lyrics
Ben&Ben - Di Ka Sayang

Kahit di mo sinasabi
Ramdam ko ang pagkukunwari
Akala'y masaya
O parang may lungkot sa tawa
Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa iyong isipan
Di kailangan na buhating mag-isa.

Di ka sayang di kailangan manghinayang
Di ka sayang di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita.

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong bakit na di matuldukan
Di kailangan na buhating mag-isa.

Di ka sayang di kailangan manghinayang
Di ka sayang di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita.

At kahit talikuran ka nila
Tanggap kita bitawan na ang iyong pangangamba
Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyong nakaraan
Di kita iiwan.

Di ka sayang di kailangang manghinayang
Di ka kulang di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita
Sarili ay mahalaga kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita tanggap kita tanggap kita.

MUSIC VIDEO Ben&Ben - Di Ka Sayang