Nica del Rosario - Rosas Lyrics
Lyrics
Nica del Rosario - "Rosas"

'Wag kang mabahala, ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan
Hindi ka naiiba at sana'y paniwalaang
Na pipiliin ka araw-araw.

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig.

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas
Na mundo para sa 'yo, at hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki
Na ika'y isang Pilipino.

'Wag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon.

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig.

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas
Na mundo para sa 'yo, at hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang.

Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako.

At hindi ko maipapangako ang
(At hindi ko maipapangako ang)
Kulay rosas na mundo para sa 'yo
(Kulay rosas)
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
(Oh oh oh oh)
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang.

Matatag at matapang
At mabuti at mapagmahal na
Pilipino
Pilipino
Pilipino.

MUSIC VIDEO Nica del Rosario - Rosas