Lyrics
Angela Ken - Dambana

‘Di mo ba alam na ikaw lang ang hinihintay na igalaw ang baso
Para mabasag ang katahimikan
Ang kalabog ng puso ko’y rinig hanggang sa kabilang kanto
At isang tanong mo lang walang ibang sagot kundi oo.

Alam kong tayo’y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan at
Ako’y tanungin ng, “pwede bang akin ka lang?”.
Oo, sa’yo lang.

Sa’yo lang, sayo’t sa’yo lang…
Sa’yo lang naramdaman ang ganitong
Kilig, takot ka ba nginig saya lahat lahat
Sa’yo lang ako hanggang sa walang hanggan.

Sa’yo lang
Sa’yo lang
Sa’yo lang.

‘Di mo ba alam na ikaw lang ang nakita kong sa akin ay seryoso
Sino ba naman ang ‘di mahuhulog
Ang ngiti pag nakita ka’y abot hanggang sa kabilang kanto
Pati sa aking pamilya, sa’yo lang sila naging kalmado.

Alam kong tayo’y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan at
Ako’y tanungin ng, “pwede bang akin ka lang?”.
Oo, sa’yo lang.

Sa’yo lang, sayo’t sa’yo lang…
Sa’yo lang naramdaman ang ganitong
Kilig, takot ka ba nginig saya lahat lahat
Sa’yo lang ako hanggang sa walang hanggan.

Sa’yo lang
Sa’yo lang
Sa’yo lang naramdaman ang ganitong
Kilig, takot ka ba nginig saya lahat lahat
Sa’yo lang.

Alam kong tayo’y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang hanggang sa dambana gusto kong makasama
At pangangakuan ng “oo, ako’y sa’yo lang”.