Lyrics
Belle Mariano - Pansamantala

Di malinaw ang aking dati-rating
Pagtingin sa iyong pagdating
Nangako sa dumaan na bituin
Na hindi na magmamahal muli.

Sayang ang oras at panahon
Yan ang aking inakala noon
At sa katigasan ng aking ulo
Ay bigla na lang nahulog sa'yo.

Pero puso, ingat na lang
Alam mo namang ito'y pansamantala lang
At di mo alam kung sino ang mangiiwan.

Di ko naman sinadyang sumugal
Nagulat na lang bigla ka nang minahal
At kahit alam kong di magtatagal
Ay sumabak pa rin sa laban.

Pero puso, isipin mo lang
Alam mo namang wala siyang ibang katulad
Sabihin mo na, bago pa tayo tuluyang lumisan.

O puso, sayang naman
Manghihinayang ako pag sadyang
Linimutan ang nagiisang kasintahan.

Dito na lang
Harap-harapan, sana'y wala tong hangganan
Sabihin mo lang
Kung ayaw mo kong lumisan.

At sa bituing pinangakuan noon
Buti na lang di nagkatotoo
Balik-baliktarin ko pa ang aking mundo
Ay babalik at babalik sayo
Ay babalik at babalik dito.