Lyrics
Samsara - Huling Yakap

Gusto pang kumapit kahit masakit na
Hindi madali na iwanan ka
Pero kailangan kitang kalimutan
At unahin ang sarili kong laban.

Huling yakap ay hinigpitan
Huli mo ngang halik ayaw tigilan
Pag-ibig na nararamdaman
Aking pinagpaliban.

Nang magising ako, nag-iba ang mundo
Wala ka na dito (Woah)
Di maintindihan, ligaya o lungkot na'to?
Ano ba talaga gusto ng puso?.

Kailangan luwagan higpit nang pagka-kapit
Hindi na maayos, wag na nating ipilit
Sakit ng nakaraan di na pwedeng maulit
Mga pangarap ay nanatili na guhit.

Hindi na kaya ng dibdib maging pangalawa
Diba't ang sabi mo hindi ako ang bida
Kaya ngayon ako ay aalis na
Babagsak sa ere ako ay mag-isa.

Gusto pang kumapit kahit masakit na
Hindi madali na iwanan ka
Pero kailangan kita kalimutan
At unahin ang sarili kong laban.

Huling yakap ay hinigpitan
Huli mo ngang hahalik ayaw tigilan
Pag-ibig na nararamdaman
Aking pinagpaliban.

Dinaan na sa usap pero ganun pa din
Hindi na magbabago kahit anong gawin
Naglaho na lahat hindi mo ba pansin?
Wala nang kinang ang iyong bituin.

Lahat naman ng kaya ay ibinigay
Pero hindi na tama kaya bumigay
Ito na ang ating huling paghihiwalay
Alam kong hindi mo na ako mahihintay.

Sana mabura na ang ala-ala
Sana mabura na ang ala-ala.

Gusto pang kumapit kahit masakit na
Hindi madali na iwanan ka
Pero kailangan kita kalimutan
At unahin ang sarili kong laban.

Huling yakap ay hinigpitan
Huli mo ngang hahalik ayaw tigilan
Pag-ibig na nararamdaman
Aking pinagpaliban.