Lyrics
Sugarcane - Paruparo feat JC Herrero

 Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Hiwagang taglay ng anino
Kay nining ng labi, oh paano?

Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Ngiting mala-bituin oh kanino?
— Tamis na nagmula sa'yo.

Namumulaklak, sayang namumukadkad
Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan
'Di mapapantayan, 'di mapapalitan.

Dalhin mo ako sa dilim
Sa tagong palasyong nasa salamin
Oh dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin.

Paruparo
Kay gandang pagmasdang paruparo
Init ng mga kapit mo
Oh dinadala ako.

Namumulaklak, sayang namumukadkad
Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan
'Di mapapantayan, 'di mapapalitan.

Dalhin mo ako sa dilim
Sa tagong palasyong nasa salamin
Oh dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin.

Oh tila paulit-ulit
Mo akong inaakit
Kaya't hayaang ika'y dalhin
Sa kalawakang 'di napapansin.

Lapit, init, lambing sa'yong kapit
Mga mata'y tila sa aki'y umakit
Ikaw ang una, gitna, at hulihan
Hanapin ang diwa magpakailanman
Lambing ng 'yong hangin
Ikaw ang aking munting dalangin
Lunurin sa'yong kahiwagaan
Puso'y wala namang kalaban-laban
Ikaw ang binhing pinaninindigan
Kahit guniguning 'di maintindihan.